Dear Papa Ron,
Tawagin niyo na lang po ako sa pangalang Jun. Ako po ay isang estudyante ng Ateneo de Naga University, nasa pangalawang taon na sa kursong accountancy. Sabi ng mga kaibigan ko, mabait, matulungin, maunawain, sweet, at gwapo daw ako. Kaya nga daw habulin ako ng mga bading sa aming iskul. Minsan, napapaisip ako. Pang-bading lang ba ang aking appeal? Kasi sa totoo lang lima ng bading ang umamin sakin na gusto nila ako, dalawa nung ako’y nasa hayskul, at tatlo ngayong kolehiyo. Ay, meron din naman palang babae. Tama, si Jhovie. Pero wala, wala niisa sa kanila ang nagustuhan ko, dahil iba ang gusto ko.
Sino’yon? Si Rica, klasmeyt ko noong ako’y nasa unang taon sa kolehiyo. Parehas kami ng kurso at magka-block pa! Noong una, hindi ko man talaga siya nagustuhan kaagad. Dati nga, masungit at palaaway ang akala kko sakanya. Pero noong ikalawang semester na, doon na umusbong – umusbong ang pagkagusto ko sa kanya. Ewan, hindi nga ,maintindihan ng mga kaibigan ko kung bakit si Rica pa, kasi para rin sa kanila, iba ang ugali ni Rica. Pero ayun, nagtuluy-tuloy ‘yong pagtibok ng puso ko sa kanya. Ahh, tama, naalala ko. Nagustuhan ko siya nang tinawag niya akong SUPERMAN. (Ang babaw ‘no?!) Hindi, sa totoo niyan gusto ko na sya bago niya pa ako tinawag na Superman. Kung kaya, nang tinawag niya akong ganun, mas lumagablab ang apoy – mas nagustuhan ko na sya. Magmula noon nagparamdam na ako. Binigyan ko sya noon ng isang kwintas. Kaya kilig na kilig ako noon kapag nakikita kong suot-suot niya iyon.
Hindi ako nagtanong sa kanya kung pwede manligaw. Hinayaan ko na lang kung saan mapupunta pagpapantasya ko sa kanya, umaasa na mararamdaman niya iyong mga pagpaparamdam ko sa kanya. Unang labas namin na magkasama ay noong Hunyo nang nakaraang taon. Tanda ko pa na bigla syang nagtext, GM nga lang. Sabi niya: “Ang boring sa Ateneo.” Dali-dali naman akong nag-reply. Sabi ko: “Labas tayo.” Pumayag naman sya. Kaya pinuntahan ko kaagad siya sa office nga organisasyong kinabibilangan niya. Ay ayun na nga, nag-date kami sa old Mcdo – ang pinaka-memorable na lugar para sa akin. Halos tatlong oras din kami nagkwentuhan, kaya nakauwi ako sa aming dormitory, mga alas-onse na ng gabi. Akala ko hindi na ‘yon masusundan, pero mali. Mali ako kasi nasundan pa sya.
Una, inalok ko sya noon na lumabas ulit. Pero ang sabi niya eh may nauna na kesa sa akin. Kaya sabi niya eh next time na lang. Kinagabihan noon magka-text kami, napag-alaman ko na umiinom pala siya kasama ang kanyang mga kaibigan. Tinanong ko kung ano problema niya. Sagot niya: “Ikaw.” Nabigla ako kasi papaanong nagging AKO ‘yong problema niya eh wala man ako ginagawang kasalanan sa kanya. Kaya ang ginawa ko eh sinundan ko sya sa Fern, kung saan sila nag-iinuman. Nung makarating ako doon, nadatnan ko sya kasama ang dalawa niyang kaibigang babae. Nabigla nga ako kasi nagsisigarilyo siya. Sabi pa nga niya: “Oh my God, nakakahiya man kay Jun.” Sabi ko naman eh ayos lang, na pati ako ay naniningarilyo man din. Kaya ayun, humithit din ako ng isang stick (pero sa katunayan eh hithit-buga man lang ako kasi hindi man talaga ako marunong). Doon sinabi sa akin ng kanyang mga kaibigan kung ano ba talagang problema niya. Ako daw ‘yong pinoproblema niya kasi hindi niya alam kung ano gagawin niya. May kababata daw kasi sya na nag-aaral sa malayo. Para daw sa kanya eh wala nang mas hihigit pa sa kanyang kababata. Kung kaya’t noong magkaroon ng boyfriend si Rica ay kaagad silang naghiwalay kasi isang text lang sa kanya ng kanyang kababata ay nababaliw sya, at nakakalimutan niyang may boyfriend pala siya. Napag-alaman ko na natatakto si Rica na mangyari din ‘yon kung sakaling maging kami. Natatakot siya na masaktan ako. Naunang umalis ‘yong dalawa niyang kasamahan, kaya kami na lang ang naiwan. Dahil sa parehas kami hindi pa kumakain ng dinner, nagkasundo kaming mag-McDo ulit. Pakiramdam ko nung gabing iyon eh kami na. Panu, wala nang ibang tao sa kalsada. Kakaunti nalang ‘yong kustomer sa McDo. Kaya feeling ko talaga noon ay kami na. Kagaya ng dati, mga alas onse na ako noon nakauwi kasi pinasakay ko muna sya para maksaigurong safe sya makakauwi.
Kinaumagahan noon, ayos pa kami ni Rica. Tinext nya nga ako kaagad kung anong oras ako nakauwi, kung nakauwi ba ako ng maayos. Sabi ko naman eh oo. Humingi pa sya ng paumanhin kasi naistorbo nia pa daw ako kagabi. Sabi ko naman eh ayos lang ‘yon (ayos na ayos). Ngunit, noong mga sumunod ng araw, napansin ko na umiiwas siya sa akin. Kaya, sumulat ako ng mensahe sa kanya sa FB. Sabi ko: “Rica, I hope we’re okay.” Masakit, heto ang reply niya: “Jhun, there’s NO we.” Ayaw kong isipin na binasted niya ako, pero parang ganun na rin eh. Humingi sya ng paumanhin sa akin kung pinaasa ko daw sya. Sabi niya, ayaw niya talagang masaktan ako; na para sa kanya ay hindi sya nababagay sa akin kasi daw ako eh m’mataas’, sya ‘mababa’; ako mabait, siya masama; ako palaaral, siya hindi. Magkabaliktaran daw kami kaya hindi pwede. Tsaka daw baka makaistorbo pa siya sa pag-aaral ko. Sabi ko naman eh hindi man ganun, na kaya ko namang magbalanse ng mga bagay-bagay-. Pero ayaw niya talaga. Walang ngawa, rinespeto ko nalang kagustuhan niya. Kaya ayon, pakatapos nun eh hndid kami nagpapansinan.
Iyong sakit na naramdaman ko noon ay mas na-triple na noong malaman ko na sya ay ‘In a relationship’ na. Anong sakit ang aking naramdaman noon, lalo pa’t ibang lalaki at hindi iyong kababata niya ang kanyang boyfriend. Sabi niya walang ibang lalaki para sa kanya kundi ang kababata niya lang. Matatanggap ko pa kung ang kanyang bf ay iyong kababata niya, pero hindi eh. Pakiramdam ko noon, linoko niya ako, na siya ay sinungaling. Kainis. Talagang kainis iyon, lalo pa’t sabi ng mga kaibigan ko eh pinagpalit lang ako ni Rica sa isang lalaking di hamak mas gwapo naman ako.
Dumaan ang ilang araw, buwan at ako’y naging ok na din. Kumbaga unit-unti ko ng tinaggap ‘yong nangyari. Pero alam ko sa sarili ko na siya pa rin ang sinisigaw ng aking damdamin. Rica. Rica. Rica.
At dumating naman ngayon si Divine, ang gf ko ngayon. Naging kami makalipas ang halos apat na buwang recovery ko mula sa naging karanasan ko kay Rica. Naging kami hindi dahil sa rebound sya, na ginagamit ko sya para makalimutan ko si Rica. Hindi. Hindi ganoon. Wala, gusto ko sya, ai mali, mahal ko sya.
Naging kami noong ika-4 ng Nobyembre noong nakaraang taon. Ngayon, magta-talong buwan na kaming kami. Ngunit, may problema. Kaninong problema? Problema sa sarili ko. Mukha kasing unit-unti nang nawawala nararamdaman ko kay Divine. Noong bago plang kami, sabi ko sa sarili ko, sana eh maramdaman ko kay Divine iyong naramdaman ko kay Rica, at kung mapepwede eh mas higit pa. Pero hindi, hindi umabot. Hindi ko naramdaman kay Divine iyong naramdaman ko kay Rica. Kung kaya ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko. Makikipag-break naba ako kay Divine o bibigyan pa ng pagkakataong umusbong din nararamdaman ko sa kanya. Pero mukhang hindi na ata eh, kasi si RICA pa rin ang mahal ko. Bumalik na naman ako ngayon sa pagkahumaling sa kanya. Unti-unti na namang bumabalik ‘yong nararamdaman ko para sa kanya.
Papa Ron, ano ang aking gagawin? Talagang nguguluhan na ako. Sana ay matulungan mo ako. Mananatili ba ako kay Divine o babalik ako kay Rica na ngayon ay single na? Ano? Ano?
Ang naguguluhan,
Jhun